top of page
Pokwang.jpg

IMUS BANDILA, BUMIDA VS. ORAGONS SA NBL 2

Alvin Olivar
May 23, 2019
1 min read

TINALO ng Imus Bandila ang Iriga City Oragons sa overtime, 99-96, noong Linggo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa National Basketball League (NBL) Season 2 sa Do­minican College gym sa Sta. Rosa, Laguna.

Nanaig ang Bandila upang matalo ang Oragons sa kauna-unahang pagkakataon sa liga. Gumawa ng 26 points si Kim Cinco at bumuslo ng limang tres sa laro. Nagbigay din ng 23 points at 14 rebounds si Jepoy Sarao para sa kanyang koponan.

Umakyat ang kartada ng Bandila sa 3-2, habang ang Oragons ay bumaba sa pangatlong puwesto na may 4-1 kartada. Umakyat sa unang puwesto ang wala pang talo na Rizal Nationals na may 1-0 kartada habang pumangalawa ang CamSur Express na may 5-1 kartada.

Sa iba pang laro noong Linggo, gumawa ng 21 points si Lerry Jhon Mayo at nagbuslo ng game-winner na may 8.7 segundo ang natitira sa laro upang talunin ng Taguig Generals ang Laguna Pistons, 94-93.

Sa laro noong Sabado na ginanap sa Philippine Chris­tian University-Dasmariñas Gym, dinaig ng Dasmariñas Ballers Club ang Nueva Ecija Rice Makers sa over­time, 95-94, upang masung­kit ang pangalawang sunod na panalo.

Nagbuslo ng 23 points at kumuha ng 14 rebounds si JP Rabe para sa Dasma­riñas. Nagtipa ng 22 points at 10 rebounds si Jeff Comia upang daigin ng Quezon City Rising Stars ang Zam­boanga Valientes, 94-82.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page