Huli sa akto, 'wag daw bibigay agad… JANELLA, BINALAAN NG MGA FANS KAY MARKUS

Beth Gelena / BULGARY FILES

MINSAN nang nakitang magkasama sa isang event si Janella Salvador at ang galing sa Pinoy Boyband Superstar na si Markus Paterson.
Kamakailan ay muli silang naispatan na nasa bahay umano ni Dominic Ochoa. Naging usap-usapan tuloy ngayon ang dalawa sa social media. Marami ang nagtatanong kung handa na raw bang magmahal muli ang young actress after what happened sa relasyon nila ni Elmo Magalona.
Sa larawang naka-post, si Janella ay nakangiti sa harap ng camera, samantalang si Markus ay makikitang nakikipag-usap sa mga tao.
Reaction ng mga netizens, “Same age naman sila ni Markus. Saka, matured na ring tingnan si Markus dahil half-British... Waley nga lang ang career...”
“Grabe, lantaran na talaga ang relasyon ng dalawa. ‘Di bale nang walang career basta may love life sila.”
“Una, sasabihin, career ang priority... Pero kapag walang nangyayari sa career, sa love life na lang magpo-focus.”
Ayon pa sa ibang netizens, dapat magpundar muna si Markus at mag-focus sa kanyang career (kung meron man).
Si Janella raw ay matagal na sa showbiz at sigurado raw na may naipundar na ang young actress.
Pinaalalahanan din ng mga fans na nagmamahal kay Janella na dapat daw nitong kilalanin munang mabuti ang guy.





Comments