top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Habang natutulog | ANAK, KINATAY NI TATAY

Jeff Tumbado
May 23, 2019
1 min read

PINAGTATAGA ng ama ang kanyang anak na natutulog sa Sipalay, Negros Occidental.

Tadtad ng tama ng itak ang katawan ng 20-anyos na si Art Gavillanes at hindi na nakabangon pa mula sa kan­yang pagkakahiga.

Ayon kay Police Major John Batusbatusan, lasing si Gavillanes nang umuwi ito sa kanilang bahay sa Bgy. Canturay. Bigla umano itong nag­wala at nahirapan naman ang inang may sakit na awa­tin ito.

Nabatid na itinago la­mang ng ama ang sama ng loob sa kanyang anak nang mga nag­daang araw dahil makailang beses na ang gina­gawang pagwawala sa tu­wing lasing ito.

Gayunman, habang na­tutulog ang anak sa kanyang kuwarto ay dito na pinasok at pinagtataga ng ama hang­gang sa ito ay mamatay.

Agad namang sumuko sa pulisya ang ama ng bik­tima. Napag-alaman na hindi magsasampa ng kaso ang pamilya sa suspek at maaari na itong pakawalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page