Endorsement ni P-Digong, walang dudang epektib!

NAIPROKLAMA na ang 12 nagwaging senador.
Klap! Klap! Klap!
◘◘◘
ISANG daang porsiyento na mabilang ang mga balota bago nagproklama.
Pambihira ini!
◘◘◘
MALINAW na tumalab ang endorso ni P-Digong.
Nagwagi sina “Bong” Go, Gen. Ronald “Bato” dela Rosa, Francis Tolentino at reelectionists Senators Cynthia Villar, Koko Pimentel at Nancy Binay na nakinabang sa popularidad ng ating pangulo!
◘◘◘
SA totoo lang, maraming kinabiguan noong 2017 at 2018 dahil nagkasunud-sunod ang krisis at biglang bumaba ang popularidad ni P-Digong dahil sa krisis sa tubig taas-presyo ng mga bilihin kasama ang produktong petrolyo.
Pero, sa huling bahagi ng 2018 hanggang sa bungad ng 2019, umangat muli ang satisfaction rating ng pangulo!
◘◘◘
ANG pagrekober ng popularidad ni P-Digong ay nakasandal sa consistent at pag-level-up ng ‘war on drugs’.
Kasabay nito ay ang pagtalaga kay NCRPO Director General Guillermo Eleazar na walang habas na dinisiplina ang mga pulis at sinalakay ang mga drug den sa Metro Manila!
◘◘◘
ISINASANDAL ang panalo sa senatorial elections sa epektibong peace and order campaign ng Philippine National Police (PNP) kung saan biglang umangat sa Magic 12 ang tandem nina “Bong” Go at “Bato”.
Nakumpirma na ang ‘war on drugs’ ay isang landmark achievement ni P-Digong!
◘◘◘
HINDI natutulog si Gen. Eleazar para kastiguhin ang mga iskalawag at arestuhin ang mga drug suspect na ikinatuwa naman ng mga botante.
Saanmang sulok ng Metro Manila ay aktuwal na naglaho ang mga gumagalang adik at pusher!
◘◘◘
DATI-RATI, takot bumiyahe ang mga driver dahil sa holdaper na pumapatay at pusakal na karnaper.
Karaniwang mga adik at pusher ang suspek!
◘◘◘
Sa Pasay at Parañaque mismo, sa paligid ng airport, Baclaran, Tramo, Rotonda, Libertad at Maricaban, araw-araw ang holdapan at isnatsing.
Ngayon, wala nang mga pesteng adik sa gitna ng kalye.
Isa ito sa dahilan kaya nagwagi ang mga kandidato ni P-Digong sa Senado!





Comments