Camarines Sur, nilindol

NIYANIG ng Magnitude 3.6 na lindol ang Sipocot, Camarines Sur na naramdaman sa ilang lugar sa nasabing lalawigan.
Alas-12:38 ng Miyerkules ng tanghali nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol na may lalim na apat na kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Sipocot, Camarines Sur habang Intensity III sa Daet, Camarines Sur.
Batay naman sa instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity V sa Sipocot, Camarines Sur; Intensity II sa Daet, Camarines Sur at Intensity I sa Guinayangan, Quezon.
Walang na-monitor na pinsala sa lindol at wala na ring inaasahang aftershocks ang Phivolcs.





Comments