Aktres, virgin pa… HIRIT NI BENJAMIN: MAGIGING BF NI SANYA, JACKPOT!


SA bagong serye nilang Dahil sa Pag-ibig sa GMA-7 ay ginagampanan nina Sanya Lopez at Benjamin Alves ang papel na mag-asawa, pero in real life ay pareho silang single ngayon.
May posibilidad bang ligawan niya si Sanya o ma-develop sila in a real romance?
“Naku, sa bigat po ng mga eksena namin, wala po talaga,” natatawang sagot ni Benjamin.
“At saka, sa taping, nakakapagod po talaga. Nakakapagod ‘yung mga eksena. Wala po yatang araw na nakakapag-relax.”
Sa ngayon daw ay hindi priority ng aktor ang love life pero nang matanong kung posible bang ma-attract siya sa leading lady, aminado naman siyang napakaganda naman talaga ni Sanya.
“Of course, Sanya is very attractive and very passionate. Pero siyempre, hindi naman po porke’t maganda at mabait yung tao, kailangang mag-pursue ka.”
Basta ang masasabi raw niya, napakasuwerte ng lalaking magugustuhan ni Sanya.
“Kung sino man ang mag-pursue kay Sanya is very lucky. But he has to go through Pancho and me first dahil parang kuya kami rito. Pero, wala pa po sa vocabulary ko ‘yan.”
Agree naman kami dahil nga NBSB (no boyfriend since birth) si Sanya.





Comments