top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

8 KABAYO SALI SA 1st LEG TRIPLE CROWN

Ding Taboy
May 23, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

WALONG kabayo ang maghaharap sa 2019 Philracom “1st Leg Triple Crown Stakes Race” sa Mayo 26 sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Magkakaharap ang mga kalahok na Boss Emong, na rerendahan ni Class A Jockey Jeff Zarate; Jayz, na sasakyan ni Jockey J.A Guce; My Jopay ni R D Raquel Jr.; My Shell Tex ni Class A Jockey Jonathan Hernandez; Obra Maestra na sasakyan ni Jockey Jessie B. Guce; Real Gold na rerendahan ni Jockey John Paul A Guce; Toy For The Bigboy na sasakyan ni Jockey J B Cordova at Westeros na sasakyan ni Jockey A.R Villegas.

Magaganap ang labanan ng mga magagaling na mana­nakbo sa paghataw ng Triple Crown sa distansiyang 1,600 meter na may guaranteed prized na halagang P3-milyon sa apat na unang makatatawid sa finishline.

Mag-uuwi ng P1.8-M ang tatanghaling kampeon, samantalang tatanggap ng P675,000 ang 2nd place, habang mag-uuwi ng P375,000 ang 3rd place at tatanggap ng P150,000 bilang 4th place.

Samantala, 12 kabayo ang maghaharap sa Hopeful Stakes Race na may guaranteed prizes na P1-M. Tatanggap ng P600,000 ang tatanghaling kampeon sa Hopeful Stake Race at may pagkakataon na sumali sa 2nd Leg Triple Crown Stake Race.

Aabot sa 14 ang kalahok sa 2019 Philracom 3 Year Old Locally Bred Stakes Race at may papremyong P500,000 na hahatiin sa P300,000 ang tatanghaling kampeon, P112,500 sa 2nd place, P62,500 sa 3rd prized at tatanggap ng P25,000 ang 4th place.

Kasabay nito, aalagwa ang carry over sa Super Six at Quartet sa pagtahak ng karera ngayong gabi sa Metro Manila Turf Club Inc (MMTCI) sa bayan ng Malvar sa Batangas.

Unang magaganap ang Quartet carry over na P40,284 sa Race 1 kasabay ng pagsisimula ng WTA.

Samantala, magaganap ang Super Six Carry Over na aabot sa P30,279.87 sa huling karera na kasabay ng paratingan sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4.

Karera Tip ni Mang Ding: Race 1-Casino Sharp (1) Tipping Point (2) Race 2- Entry No.3 Sorsogon Bay (2) Race 3- A.P.Factor (2) Princess Arianna (3) Race 4-Felicity (4) Rianna (2) Race 5- Holy Bullea (7) Congrats Sister (4) Race 6-Entry No.(1) Entry No,5 Race 7- Winning (7) Stalag Seventeen (6)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page