31 tornadoes, nanalasa sa US
MAHIGIT 30 tornadoes ang tumama sa Central US na nagresulta sa pagkasira ng mga bahay sa Oklahoma.
Bukod pa rito, nasira rin ang rack track sa isang grandstand sa Missouri na nagresulta sa pagbaha sa maraming lugar.
Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration Storm Prediction Center, umabot sa 26 tornades ang naitala noong Lunes at anim noong Martes.
Nagsimulang maransan ang hindi magandang panahon noong Lunes ng gabi kung saan kabilang sa mga apektadong lugar ay ang bahagi ng Illinois at Arkansas.
Kasalukuyang binabantayan ang isa pang masamang panahon na posibleng manalasa sa Texas at Chicago.





Comments