3 mag-uutol, sex slave nina daddy at 2 kuya

NANGINGINIG sa galit at umiiyak na sinabi ng tatlong magkakapatid ang kanilang sinapit sa kamay mismo ng kanilang ama at mga kapatid na lalaki matapos silang gahasain sa Sta. Rosa, Laguna.
Sa isinalaysay ng mga biktimang sina alyas Aileen, 18; 'Babeth', 16, at 'Carla', 10, mula noong umalis ang kanilang ina noong 2017 ay sinimulan na silang halayin ng amang suspek na si alyas Junggoy, 51, bago sinundan ng mga kapatid na sina alyas Junjun, 21, at 'Jerry', 25.
Nagsumbong umano ang isa sa mga biktima sa nakatatandang kapatid na lalaki ngunit, sa halip na magalit sa ama ay ginawan din siya ng kahalayan.
Nadiskubre lamang ang insidente ng kanilang kapitbahay nang mapansin ang paglobo ng tiyan ng isa sa kanila.
Nagduda umano silang may nagaganap na hindi kanais-nais kaya agad silang humingi ng tulong sa pulisya.
Na-rescue ang magkakapatid habang naaresto ang mga suspek subalit, nakatakas ang nakatatandang kapatid.
Todo-tanggi ang mga suspek sa paratang sa kanila at sinabing nasusulsulan lang sila ng kanilang kapitbahay.
Ayon pa sa mga biktima, hindi na nila nararamdaman na nasa bahay kundi nasa impiyerno sila dahil sa panghahalay na ginagawa ng ama at mga kapatid kaya nanawagan silang dapat masilya-elektrika ang mga suspek.





Comments