top of page

Worried dahil ilang linggo nang pabalik-balik ang ubo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay may tatlong anak at napagpas­yahan namin ng asawa ko na huwag na akong magtrabaho upang ako na lamang ang mag-asikaso sa mga gawaing-bahay. Gayunman, ang aking problema ay ang aking ubo dahil ilang linggo na ito ngunit, hindi pa rin nawa­wala. Mayroon itong madilaw na kulay. Sa ngayon ay wala pa akong iniinom na gamot dahil kapos pa ang budget namin ka­ya naman ang ginaga­wa ko ay umiinom na lamang ako ng kala­mansi juice dahil ma­rami namang tanim nito si nanay. Baga­ma’t, nawawala na­man ito, paglipas ng ilang araw babalik na naman ang aking ubo at sipon. Ano kaya ito? — Elvie

Sagot

Ang cough o ubo ay reaksiyon ng katawan upang alisin ang sipon, plema at iba pang bagay na nakaiirita sa baga at daanan ng hangin. May iba’t ibang katangian ang ubo at kadalasan, ito ay sintomas ng mga sakit sa baga tulad ng asthma, bronchitis at common colds.

Kadalasang nara­ram­daman ang pana­nakit ng lalamunan kapag malubha ang ubo.

Narito ang mga katangian ng plema na posibleng senyales ng mga karamdaman na nagdudulot ng pag-ubo:

Malapot, berde o madilaw — ito ay kadalasang nakahahawa. Base sa kulay, ang plema ay maaaring may abscess o nana. Karani­wan ito sa ubo at sipon, pulmonya at bronchitis.

Kulay abo o ma­linaw at hindi gaa­nong malapot — ito ang karaniwang inilala­bas ng katawan kapag may asthma at chronic obstructive pulmonary disease o pabalik-balik na ubo.

May kasamang dugo — maaari itong senyales ng impeksiyon sa baga, gayundin, maa­ari itong sintomas ng malubhang karamda­man tulad ng lung cancer, TB at pulmonya.

• Kulay pink at mabula — ito ay kali­mi­tang sintomas ng pulmonary edema o labis na pagdami ng likido sa baga.

Paano makaiiwas na magkaroon nito?

• Sikapin na magka­roon ng sapat na pa­hinga.

• Uminom ng mara­ming tubig.

• Uminom ng mga cough medicine na nag­papahinto sa produksi­yon ng plema tulad ng guaifenesin.

• Maaaring uminom ng cough suppressant o gamot na nagpapatigil sa ubo.

• Iwasan ang panini­garilyo.

• Iwasang ma-expose sa usok, dumi o maruming hangin.

Ta na kapag ang para sa ubo na galing sa bacteria, maaaring mag­pakonsulta sa doktor upang maresetahan ng angkop na antibiotic.

Gayunman, antihistamine ang ibibigay kapag may kasamang allergy ang ubo. Kaila­ngang pagalingin muna ang sakit na nagdudulot ng produksiyon ng plema upang tuluyan itong mawala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page