Pinoy bishops, nakipag-meeting kay Pope

NAKIPAGKITA ang mga Obispong Pinoy kay Pope Francis sa Vatican City para sa kanilang official visit.
Ang mga Obispo mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay may mandato na mag-report o tinatawag na “ad limina apostolorum” visit hinggil sa estado ng kanilang mga diocese at archdiocese sa Santo Papa. Ang Ad limina visits ay ginagawa sa kada 5 taon.
Ang mga Obispo ay pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinati sa tatlong grupo ang pag- uulat sa Santo Papa, ito ay ang Luzon, Visayas and Mindanao.
Ito ang kauna unahang pagbisita ng mga Obispong pinoy sa ilalim ng pamumuno ni Pope Francis. Ang huli nila ay noong 2011 kung saan ang Santo Papa ay si Pope Benedict XVI pa.





Comments