P-Digong, wala raw sakit, robot lang ang hindi nagkakasakit!

BIGO ang Comelec na maiproklama nang maaga ang mga nagwagi ngayong 2019 Midterm Elections.
Normal lang ‘yan!
◘◘◘
NAGBITIW na si Sen. Kiko Pangilinan bilang pangulo ng Liberal Party (LP).
Pero, binasted ni Vice-Pres. Leni.
Wala raw kasing “noted” ni Shawie!
◘◘◘
INAAWAY ng U.S. ang Huawei.
Akala nila ismoltaym lang ang Chinese IT giant!
◘◘◘
INAKUSAHAN ni U.S. President Donald Trump ang Huawei ng pag-eespiya.
Pwes, giyerahin nila ang China!
◘◘◘
TAKOT ang U.S. sa China.
Hindi nila puwedeng kubkubin ang Beijing tulad ng ginawa nila sa Afghanistan, Iraq at Libya!
◘◘◘
WALA raw sakit si P-Digong.
Bakit “robot” ba siya o tao?
◘◘◘
ROBOT lang ang hindi nagkakasakit.
Pero, kapag “tao”, normal lang na magkasakit!
◘◘◘
WALA pa ring nadidiskubre na gaganap na “Darna”.
Inirerekomenda natin sina Davao City Mayor Sara at Vice-Pres. Leni!
◘◘◘
INABISO na ang tag-ulan.
‘Yan ay ayon sa mga baraha ni Mang Tani!
◘◘◘
MAY ulat na “inaresto” si ex-Ombudsman Conchita Carpio Morales ng mga Immigration officer sa Hong Kong.
Siya ay lider ng mga nagdemanda laban kay Chinese Pres. Xi Jinping.
Fake news ba ito o totoo?





Comments