Nanlabang adik patay
Pabs Hernandez III
May 22, 2019
1 min read
GENERAL SANTOS CITY—Isang drug addict ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Bula sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Jayson Jamson, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Jamson, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments