Kaya dedma sa kumalat na may ibang babae ang mister… ROBIN, BINILHAN NG BAGONG VAN SI MARIEL
- BULGAR

- May 22, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SA kabila ng mga kumalat na litrato ni Robin Padilla kung saan makikitang may isang nakakandong at isang nakayapos sa kanyang babae, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal sa kanya ng misis niyang si Mariel Rodriguez, na nagdadalantao ngayon para sa ikalawa nilang baby.
Bukod sa litratong nakakandong sa kanya ang isang babae, may isa silang selfie picture kung saan tinawag ng fan na “Bebe ko” si Robin.
Napag-alaman din na nakunan ang litrato sa kasagsagan ng campaign period dahil sa suot ni Robin na may initials na “Du30Go”.
Sa unang pagkakataon, makalipas ang 10 araw, nitong Lunes (May 20) nang gabi, sumagot na si Mariel sa pagtatanong sa kanya ng mga netizens tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang mister.
Nag-post kasi si Mariel sa kanyang Instagram ng super sweet na mensahe tungkol sa pagmamahal niya kay Robin.
Dito na diretsahang nag-comment ang isang netizen tungkol sa kumalat na litrato ni Robin na may kasamang ibang babae.
Tanong ng netizen, “What happened to the photos with the girls on his lap? Okey lang sa iyo?”
Diretsahan ding sinagot ni Mariel ang isyu at tinuldukan na ito.
Aniya, “@star01100110 ang babaw nu’n. Our marriage is so much stronger than that.”
Sa naunang post ng It’s Showtime host, ipinagmalaki niya kung gaano kaalagang mister si Robin. Dahil pagkatapos niyang maligo, ang action star daw ang kusang nag-blow dry ng kanyang buhok.
Kuwento ni Mariel, “I never sleep with products on my hair... so I showered and was about to sleep. He doesn’t like that... me sleeping with wet hair so he dried it for me. He is sweet like that.”
Dagdag pa niya, “Even when I go to work he asks me if I have a towel on my back (everyday ‘yun, ah), so my shirt doesn’t get wet and I don’t get sick. He is caring like that.
“On random days he sends me food while I am at work. He is thoughtful like that.”
Ayon kay Mariel, wala siyang masasabi sa pagiging mabuting asawa at ama ni Robin.
“When he saw that I would bring the whole barangay when Isabella and I would travel, he bought her a new van. He is generous like that.
“If I don’t say it enough... I want to say it out here how much we appreciate you and all that you do for us.”
Blessed din ang pakiramdam ni Mariel dahil sinusuportahan ni Robin ang kanyang showbiz career bilang daily host ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Ani Mariel, “The truth is I am blessed because I know you will support us but you allow me to work because you know it’s part of me being me so you allow me to be me.
Dagdag pa niya, “Most of the time I am so busy with Isabella that I barely have any time for us. I miss us too.
“I want to congratulate you for the hard work you did during the last few months and you did it honorably.
“We are so proud of that... we are so proud of you! To my King [crown emoji] I love you @robinhoodpadilla [kiss emoji]”





Comments