top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahit 8 yrs. na… MIKAEL, WALA PA RING PLANONG PAKASALAN SI MEGAN

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2019
1 min read

LABIS na ipinagtataka ni Miss World 2013 Megan Young ang nababalitang lihim na silang nagpakasal ng BF niya for eight years na si Mikael Daez. Maging ang kanyang mommy ay nagtatanong din nang dumating sila ni Mikael mula sa bakasyon nila abroad.

Sabik na ring magkaapo sa kanila ang kanyang mom. Pero nilinaw ni Megan na wala pa silang wedding plans ng BF at hindi nila ito pinag-uusapan.

Hindi pa siya engaged dahil hindi pa raw nagpo-propose sa kanya si Mikael. Kaya, walang wedding na magaganap sa kanila ngayong 2019.

Baka two years from now, puwede na nilang i-consider ang pagse-settle down. Pero sa ngayon, marami pang gustong gawin ang Kapuso actress.

Si Mikael naman ay may bago ring show sa GMA Network, ang live animation series na Alex and Amie. Si Megan, bukod sa mga endorsements ay busy din sa mga pa-workshops. Sa May 25, siya ang speaker/motivator sa personality development at public speaking workshop na organized ng Empire PH.

Ito ay isang one-day six hours workshop na open sa lahat ng babae o lalaki, any age bracket or social status.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page