Kagawad niratrat, utas

PATAY ang 63-anyos na barangay kagawad matapos tambangan, kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.
Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital si Ernesto Sibug, kagawad sa Bgy. 131, Zone 11 at residente ng Balut, Tondo.
Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6:02 ng umaga nang maganap ang pamamaril habang minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyang Mitsubishi Adventure.
Pagsapit sa Beltran St., pinagbabaril ito ng suspek na sakay ng SUV at nang makitang tinamaan ang biktima ay agad itong humarurot papalayo.
Nabatid na wala umanong nakitang conduction sticker sa SUV ng suspek na armado ng hindi pa matiyak na kalibre ng baril.
Patuloy na ang imbestigasyon sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek.





Comments