top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Flexible na araw at oras ng trabaho, ayos!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22, 2019
  • 1 min read

Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Sena­do ang panukalang-batas na naglalayong gawing ‘flexible’ ang araw at oras ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino.

Ang panukala ay tinawag na Bill 1571 o Alternative Working Arrangement Act.

Sa ilalim ng panukala, maaari nang hindi sumunod ang em­pleyado sa schedule na walong oras sa limang araw kada linggo.

Maaaring magkaroon ng ‘mutually agreed voluntary work arrangement’ sa pagitan ng employer at empleyado.

Puwedeng pumili ang manggagawa ng trabaho na mahabang oras at mas kaunting araw ngunit, kailangang ma-meet ang oras ng trabaho sa isang linggo na karaniwang 40 oras.

Pinagtibay ng Senado ang 48-hour labor limit kada linggo habang dapat mapanatili ang umiiral na mga benepisyo kahit mabago ang work schedule.

Nakasaad sa bill na ang compressed work week arrangement ay hindi lamang para mabawasan ang cost of work pero, upang matugunan din ng mga empleyado ang kanilang personal at social obligations.

Magandang panukala ito hindi dahil magiging flexible na ang oras ng trabaho kundi dahil magkakaroon na ng work-life balance ang bawat empleyado.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page