CSB, PASOK NA SA D-LEAGUE PLAYOFFS


GANAP nang umusad ang Go for Gold-CSB sa 2019 PBA D-League Playoffs, makaraang igupo ang McDavid, 119-101, kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao.
Nagsanib puwersa sina Clement Leutcheu at Edward Dixon para pamunuan ang Scratchers sa maagang ratsada na nagresulta sa 37-21 bentahe na napalobo pa nila hanggang 31 puntos. “We’re happy we made it to the quarterfinals,” wika ni coach Charles Tiu. “That’s one of our goals this conference because it’s a very stacked conference.” Pinangunahan ni Leutcheu ang kanilang balanseng opensa sa iniskor nitong 19 puntos, 9 rebounds, 3 assists at 3 steals, kasunod si Dixon na may 16 puntos at Roosevelt Adams na may double double 13 puntos at 10 rebounds.
Dahil sa panalo, tumaas sila sa markang 6-3, panalo-talo, sa Aspirants Group kasalo ng Che’Lu Bar and Grill at Petron-Letran.
Ngunit dahil sa mas mataas na quotient, ganap na silang umusad sa playoff round kasama ng group leader nilang Cignal-Ateneo (8-1). Nagtapos ang McDavid na may isang panalo sa loob ng siyam na laro. (VA)





Comments