Bar niratrat, 11 patay
Jersey Sanchez
May 22, 2019
1 min read
PATAY ang 11 katao matapos ang pamamaril sa bar sa Northern Brazil.
Ayon sa Public Safety Department, naganap ang pamamaril sa Belem City.
Batay sa impomasyon, pito ang suspek at nakasakay ang mga ito sa
motorsiklo at tatlong kotse nang dumating sa lugar.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspek ngunit, nasugatan ang isa sa kanila at nasa kustodiya na ng pulisya.
Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng 6 babae at 5 lalaki.





Comments