top of page
Pokwang.jpg

BAGO BAKASYON, NU, NAGWAGI PA KONTRA UPHSD SA PBA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2019
1 min read

TINAPOS ng SMDC-NU ang kanilang kampanya sa 2019 PBA D-League sa pamamagitan ng 100-74 paggapi sa University of Perpetual kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao.

Nanguna si Dave Ildefonso sa naturang panalo ng Bulldogs sa itinala nitong 20 puntos, 6 rebounds at 3 assists. Ang panalo ang ika-apat na sunod ng SMDC-NU na tumapos sa markang 4-5, panalo-talo sa Foundation Group.

“Masaya kami kasi nakuha namin ‘yung gusto ng team. Magandang preparation ito para sa amin,” pahayag ni assistant coach Kevin de Castro para kay head coach Jamike Jarin.

Nagdagdag naman si big man John Lloyd Clemente ng 16 puntos at 4 na rebounds off the bench, kasunod si Patrick Yu na may 13, at si Senegalese big man Issa Gaye na may double-double 11 puntos at 16 rebounds, bukod pa sa 3 blocks.

Nagsimulang kumalas ang SMDC-NU sa Perpetual sa third canto, kung saan lumayo sila ng 19 puntos 67-48, na lumobo pa hanggang 26 sa playoff period. Nanguna naman si Tonton Peralta para sa Altas na nagtapos sa markang 2-7 sa ipinoste niyang 18 puntos. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page