top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

10 ALL-STARS SA JUNIOR NBA PHILS, PINANGALANAN NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 22, 2019
  • 1 min read

LIMANG mga batang lalaki at babae ang napili sa Jr. NBA Philippines 2019 ng Alaska National Training Camp upang maging bahagi ng bagong batch ng Jr. NBA All-Stars na kakatawan sa bansa sa unang Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp sa Jakarta, Indonesia sa Hunyo at makaensayo ang mga top youth players ng rehiyon.

Kasama nina Cleveland Cavaliers guard Collin Sexton at WNBA Champion Ticha Penicheiro at iba pang Jr. NBA coaches na sina Carlos Barroca, Natalia Andre at Alaska coaches Jeffrey Cariaso at Tony dela Cruz upang matulungan ang coach na umagapay sa may 80 participants na idinaos sa Gatorade Hoops Center sa Don Bosco Technical Institute noong Mayo 18 at sa boys and girls exhibition game sa SM Mall of Asia Music Hall noong Mayo 19.

Ang final day ng Jr. NBA National Training Camp ay nagdaos ng exhibition game para sa dating Jr. NBA All-Stars na dinaluhan ng alumni kabilang na ang collegiate players na sina Thirdy Ravena at Janjan Jaboneta.

Ang 5 napiling players sa babae ay sina Dianne Camille Nolasco, 14; Mikylla Taborada, 14; Justine Mhyra Vibangco, 13; Princess BJ Marie Villarin, 13; habang sa kalalakihan ay sina Henjz Gabriel Demisana, 14; Joshua Minguillo, 13; Zhan Paolo Moreno, 14; Sebastian Roy Reyes, 14 at Lionel Metthew Rubico, 14. Ang Jr. NBA Philippines na hatid ng Alaska ay upang mapag-ibayo ang kalusugan at tikas ng mga kabataang dumarami ang bilang ng mga hindi aktibo sa pamamagitan ng paggabay sa kanila ng tamang nutrisyon at panatilihing laging aktibo. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page