‘Ika nga, iba pa rin ‘yung may natapos ka... TIPS PARA SA MGA BATANG AMA AT INA NA GUSTO PA RING IPA
No Problem

SA panahon ngayon, maraming mga batang-ina at ama ang gusto pa ring ipagpatuloy ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Bagama’t, mahirap dahil kaakibat nito ang dobleng pagod at gastos ay kailangang magtiis dahil paniguradong magiging worth it ang resulta nito sa oras na dumating ang kanilang pagtatapos.
Kaya para sa mga mamshie at papshie natin diyan na bet pa ring mag-aral, support kami sa inyo, narito ang ilang tips sa pagbabalanse ng mga prayoridad sa buhay:
1. YOU MUST HAVE A SUPPORTIVE FAMILY. Of course, kailangang suportado ka ng iyong mga magulang, lalo na kung single-mom o dad ka dahil wala kang ibang makaaagapay kundi ang iyong pamilya na tutulong sa iyo sa mga panahong hirap at pagod ka na.
2. WORK HARD. Doble-kayod ang dapat mong gawin dahil alam nating ang pag-aaral ngayon, lalo na kung hindi ka scholar ay medyo malaki-laki ang bayarin. Kaya kung ikaw lang ang magpapaaral sa sarili mo, mainam kung maghahanap ka ng trabaho na medyo malaki ang suweldo.
3. BE DISCIPLINED. Siyempre, kailangan mo ring disiplinahin ang sarili mo, lalo na at magkakaroon ka ng mga kaklase na mahilig tumambay at magliwaliw na hindi na nababagay sa iyo dahil mas mabigat ang pinaghuhugutan mo sa buhay. Gets mo?
4. PRIORITIZE. Kung bet mo talagang makapagtapos, i-prioritize mo ang mga bagay na makatutulong upang makapagtapos ka. Halimbawa, imbes na gumala ka kasama ang iyong mga kaklase, eh, mag-review ka na lang o kaya ay gumawa ng project o assignments.
5. HAVE A MOTIVATION. Sa lahat ng bagay, kailangan ng tao ng inspirasyon dahil ito ang nakapagmo-motivate sa atin para magawa natin ang mga bagay na makabubuti sa atin. Ibig sabihin, gawin mong motivation si baby at ang pamilya mo, beshy!
6. ADJUST YOUR TIME. May mga eskuwelahan na pumapayag na ikaw mismo ang mamimili ng schedule mo, especially kung working student ka, mayroon silang ino-offer na night shift. Ikaw ang bahala sa kung ano ang mas trip mo at mas makapagpapagaan sa iyo.
7. KNOW YOUR LIMITATION. Limitahan mo ang iyong sarili sa pagbili ng mga bagay na hindi mo naman kailangan, gayundin, kung kinakailangan mong maging resourceful, gawin mo para sa iyong pangarap! Ganern!
8. BE STRONG. Last but not the least, maging matatag ka sa bawat hamon na iyong pagdaraanan, besh! Ngayon pa lang, sinasabi na nating hindi ito madali at sa oras na sumabak ka na rito, eh, wala nang atrasan pa, kaya pag-isipan mong mabuti ang iyong magiging desisyon ‘ika nga, be strong!
Oo, mahirap talagang abutin ang mga pangarap, lalo na kung minsan ka ng nadapa dahil may halo na itong kaba at pagdududa, pero who knows, basta may tiyaga, pagsisikap at disiplina, walang imposible kapag nangangarap ka! Kaya ‘yan, mga beshy, fight, fight, fight! Hi-hi-hi!





Comments