top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Vico Sotto biglang sikat, puwede nang mag-artista!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21, 2019
  • 2 min read

HINDI matigil ang tsismis na naospital si P-Digong.

Malamang, resbak ‘yan ng mga natalo sa halalan!

◘◘◘

NAGSIMULA na ang maniobrahan sa 2022 Presidential Elections.

Pwes, puwede nang simulan ang vote-buying!

◘◘◘

MADALAS nang umulan.

Hindi na matutuyot ang Angat Dam!

◘◘◘

BIGLANG sumikat si Vico Sotto.

Puwede na siyang mag-artista!

◘◘◘

KINASUHAN na ang mga parak na pumatay sa bodyguard ni Atty. Glenn Chong.

Dapat lang!

◘◘◘

IPINASARADO na rin ang mga hotel sa El Nido, Palawan na nagtatapon ng ‘etsas’ sa paligid.

Paano kaya ang condo complex na nagtatapon ng ‘etsas’ sa mga kanal?

Bakit hindi iniimbestigahan ng DENR ang waste disposal ng mga condo complex sa Pasay, Maynila, Quezon City at iba pa?

◘◘◘

WALANG pozonegro ang mga condo complex, ibig bang sabihin, ang ‘etsas’ sa mga condo ay diretso lang sa mga kanal?

Dapat linawin at ipaliwanag ‘yan ng DENR.

Dapat itong imbestigahan sa susunod na Kongreso!

◘◘◘

GAYUNDIN, saan itinatapon ng condo complex ang milyong kubiko ng tubig na hinihigop mula sa mga basement?

‘Yan mismo ang sanhi ng flashfloods sa Metro Manila.

Dapat may “water retention o rain water collection system” ang mga condo complex!

◘◘◘

ANG building code ay isa nang lipas na batas, dapat itong iangkop sa modernong imprastruktura sa kasalukuyang panahon.

Halimbawa, ang aayusing NAIA complex, saan itatapon ang sobrang tubig-ulan sa ekta-ektaryang lupain sa paliparan?

Saan?

Ito ay biglaang pagagapangin sa maliliit na kanal sa kalye na siyang sanhi ng flashfloods!

◘◘◘

ANG mga infrastructure complex ay dapat naglalaan ng espasyo para sa “rain water retention” kung saan itetengga muna ito bago pakawalan upang hindi bumaha.

Sa bawat barangay o siyudad, dapat magkaroon ng “water park” at magkaroon din ng “waste disposal treatment” imbes na idiretso sa kanal ang ‘etsas’ ng mga condo unit owner!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page