Tumataya sa lotto

Salaminin natin ngayon ang panaginip ni Chel ng Chel_Kim@facebook. com
Dear Professor,
Madalas akong managinip na tumataya raw ako sa lotto, pero sa totoong buhay ay hindi naman ako tumataya. Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Chel
Sa iyo Chel,
Hindi nakapagtataka ang mapanaginipan na tumataya ka sa lotto.
Ang mga nakikita, naririnig, naaamoy at nasasalat natin ay mabilis na pumapasok sa ating isip, kaya masasabing ang lahat ng nangyayari at nagaganap ay nakarehistro na sa ating utak. Hindi ito mawawala at mabubura.
Minsan, ang sinasabi ng utak at computer ay magkatulad, as in, parang iisa lang ang sistema ng computer at ng utak, pero ang totoo, ang computer ay nabubura at naba-virus. Kaya kahit kailan, hindi puwedeng palitan ng computer ang mga tao.
Pero, nakatutuwa ring isipin na uso na ngayon ang tinatawag na AI or artificial workers na sinasabing papalit sa mga tao. Kaya malaki ang problema ng mga kumpanya kapag ang mga ito ay na-virus.
Balikan natin ang madalas mong mapanaginipan na tumataya ka sa lotto na maaaring maisip mong pinatataya ka ng panaginip mo at ikaw ay mananalo. Nakatutuwa rin, ‘di ba? Pero, madali lang malaman kung tama o magkakatotoo ang sinasabi ng isip mo.
Tumaya ka! Walang mawawala sa iyo, pero kung hindi ka mananalo ng jackpot ay makukuha mo pa rin ‘yung halaga na katumbas ng iyong tatayaan.
Gayunman, ang panaginip na nakikipagsapalaran o nakataya ang kapalaran ng nanaginip ay nagbibigay ng mensahe na ang buhay ay parang laro lang. Minsan, nananalo at minsan ay natatalo. Kaya ang payo, iha, para sa iyo ayon sa panaginip mo ay huwag mong seryosohin ang buhay mo, partikular ang iyong love life.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments