top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tulad ng Boracay Island | Rehabilitasyon sa iba pang isla sa bansa, isagawa!

  • Ryan B. Sison
  • May 21, 2019
  • 1 min read

MATAPOS ang halos mahigit isang taong rehabilitasyon sa Isla ng Boracay, ipinagma­laki ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) ang develop­ment nito ngayon.

Sinabi ni BIARMG General Mana­ger Na­tividad Bernandino na marami umano silang nagawang pagbabago nang nagsimula ang paglilinis dito.

Sa katunayan, on-track ngayon ang Phase II ng road improvement sa Bora­cay Island sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang pagsasagawa ng mga drainage canal sa pamumuno ng Tourism In­fras­tructure and Enterprise Zone Au­thority (TIEZA), gayundin, ang mga pro­yekto na malapit ng makumpleto.

Samantala, ang road widening aniya na 20-kilometer Boracay circumferential network ay matatapos umano sa loob ng dalawang taon na kinabibilangan ng 4.1-kilometer main road mula sa Cagban Port hanggang sa Elizalde Property sa station 1.

Gayunman, nakatutuwa dahil ang isla na muntik nang mapabayaan dahil sa kapabayaan ng mamamayan ay mu­ling nakabangon kung saan kitang-kita ang ganda nito ngayon.

Kaya naman, ang hiling natin sa pa­maha­laan, bigyang-pansin din ang iba pang isla sa bansa na nangangailangan ng kalinga.

Kung kinakailangang magsagawa ng rehabilitasyon sa mahabang panahon, gawin!

Ngunit, para magtagumpay ito, ko­ope­rasyon ng lahat ang kailangan para sa mas magandang kapaligiran.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page