top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

RAPTORS, NAKA-2-OT DINIBDIBAN ANG BUCKS

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2019
2 min read

BUMANAT si Kawhi Leonard ng 36 points – kabilang nang dalawang mahalagang field goals sa huling bahagi ng ikalawang overtime game at sumunggab ng 9 rebounds nang talunin ng Toronto Raptors ang bisitang Milwaukee Bucks, 118-112, sa double-overtime kahapon sa Game 3 ng Eastern Conference Finals.

Nangunguna ang Bucks sa best-of-seven series 2-1 kung saan ang Game 4 ay sa Martes sa Toronto. Dumagdag si Pascal Siakam ng 25 points at 11 rebounds para sa Toronto habang si Marc Gasol ay may 16 puntos, 12 rebounds, 7 assists at five blocked shots.

Nakabasket si Kyle Lowry ng Toronto ng 11 points bago na-foul sa 4th quarter. May 19 puntos si Norman Powell bago na-foul sa huling bahagi ng 4th quarter.

Nanatili lamang si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ng 12 puntos pero sumunggab ng 23 rebounds bago na-foul sa natitirang 4:24 minuto sa second overtime.

May 24 puntos si George Hill para sa Milwaukee. May 20 puntos si Malcolm Brogdon, may 16 points si Brook Lopez, 11 points kay Eric Bledsoe at si Nikola Mirotic ay may 10. Lamang ang Raptors sa 11 pagpasok ng 4th quarter. Umusad ng 8 puntos nang maka-tres si Leonard sa natitirang 9:05 minuto, pero ang hook shot ni Hill ang nakapatas ng 88 sa game sa natitirang 4:11 minuto.

Nalagay ang Toronto sa 93-91 lead sa bisa ng 16-footer shot ni Leonard na lumago pa sa 3 nang makagawa si Siakam ng isa sa dalawang free throws sa natitirang 1:41 minuto at dagdag na 5 nang makabasket si Leonard ng dalawang free throws sa natitirang 1:13 minuto.

Balik sa kalamangan ang Bucks sa bisa ng reverse layup ni Brogdon sa natitirang 38.7 segundo. Matapos magmintis ang Bucks, sablay din ang 2 free throws ni Siakam sa natitirang 7.1 segundo. Ang layup ni Khris Middleton ang nagpatas sa game na may 2.2 nalalabing segundo at mapuwersa ang overtime. Lumamang ang Toronto sa bisa ng layup ni Siakam sa unang overtime kasunod ng jumper ni Leonard para makalamang ng 4 puntos. Bumanat si Brogdon ng five-footer sa nalalabing 43.2 segundo at ipinataas ni Hill ang laro sa dalawang free throws sa natitirang 14.5 segundo sa unang overtime.

Ang dunk ni Leonard matapos ang steal ang nagpalamang sa Toronto sa 3 puntos sa ikalawang overtime. Ang dalawang free throws ni Lopez ang nag-trim sa 1 puntos.

Ang steal at dunk ni Leonard ang naka­lamang sa Raptors sa 3 puntos sa nalalabing 1:52 sa second overtime. Na­nguna ang Raptors sa 4 puntos sa gina­wang hook ni Leonard sa nalalabing 32.4 se­gundo. Na­muno agad ang Raptors sa 30-21 ma­ta­pos ang unang quarter. (ATD/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page