Pusher todas sa drug-bust
Pabs Hernandez III
May 21, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa bayan ng Nampicuan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Arturo Alfonso, nakatira sa Bgy. Poblacion, Moncada, Tarlac.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Alfonso, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments