P-Duterte, wala na namang paramdam, busy sa Netflix?

P-DUTERTE, BAKA NAG-E-ENJOY LANG SA MGA PELIKULA SA NETFLIX —Tumirada na naman ang oposisyon na kaya raw hindi nakikita ngayon ng publiko si P-Duterte ay dahil lumubha raw ang sakit nito at naka-confine sa ospital.
Hay naku, itong oposisyon, hindi na nasanay kay P-Duterte, malamang, kaya hindi napagkikita ng publiko ngayon ang pangulo ay baka sobrang nag-e-enjoy ito sa panonood ng mga pelikula sa Netflix. Ha-ha-ha!
◘◘◘
VICO, ‘NASUSURA’ SA PARTIDO NI P-DUTERTE?—Nang tanungin ni Karen Davila sa kanyang programa sa ANC si Pasig City Mayor-elect Vico Sotto kung sasapi ito sa partidong PDP-Laban ni P-Duterte ay “no” ang sagot ng batang incoming mayor.
Kulang na lang sabihin ni Vico na “nasusura” siya sa partido ni P-Duterte kaya ayaw niyang sumapi rito, boom!
◘◘◘
21-ANYOS NA ALKALDE, MULA PALA SA ANGKAN NG MGA PULITIKO—Noong una, maraming humanga nang mabalita ang 21-anyos na si Arth Bryan Celeste, ang nagwaging mayor sa Alaminos City, Pangasinan, kaya lang nang mabasa ang kabuuan ng news, nalamang siya pala ay barangay chairman, ABC (Association of Barangay Chairman) president at ang ama niyang si incumbent Mayor Arthur Celeste ang nagpatakbo sa kanya bilang alkalde dahil lumaban ito (Mayor Arthur) sa pagka-gobernador at natalo nitong nakalipas na halalan.
Ibig sabihin, ang batang incoming mayor ng Alaminos City ay hindi pala pangkaraniwang mamamayan ng lungsod kundi mula pala siya sa angkan ng mga pulitiko, period!
◘◘◘
JUETENG LORD SA PANGASINAN, “TOKHANGIN” NA! — Pagkatapos ng eleksiyon, balik-jueteng operation na naman daw sa Pangasinan si “Millora.”
O, ano pa wait mo, Pangasinan PNP Director, Col. Wilson Lopez, paki-"tokhang” na si “Millora,” dali!





Comments