MPBL OPENER: BATANGAS CITY KONTRA SAN JUAN SA DUBAI


MAKASASAGUPA sa unang sabak ng Batangas City ang Datu Cup titlist San Juan sa kauna-unahang overseas game ng MPBL game sa Dubai sa Setyembre 27.
Kinumpirma ni League commissioner Kenneth Duremdes ang balita at aniya, magtutungo ang MPBL officials sa Dubai matapos ang season opener ng ‘fastest growing regional amateur basketball league’ sa Hunyo 12. “Pinayagan na kami ni Senator to fly in on June 13 kasi nga ‘yung organizer, siya rin ‘yung organizer ng concert ni Arnel Pineda,” ani Duremdes.
Napagpasyahan ng organizers na piliin ang San Juan dahil ito ang huling nagkampeon sa Datu Cup mula sa nakagigitlang finale win kontra Davao Occidental at Batangas City, upang maihatid ang MPBL version ng “Battle of the Champions” sa harap ng Pinoy audience na nakatira sa pinakamaraming tao sa United Arab Emirates.
Ang live streaming ng laro ay available sa mga audience ng Dubai at Pilipinas pero ang games sa TV ay ire-record at ipalalabas sa susunod na araw. Matapos ang Dubai, muling magdaraos ng overseas game ang MPBL sa Oman kung saan naroon ang napakarami pang Pinoy workers. Sa anunsiyo na ito ni Commissioner Duremdes, aprubado rin sa liga ang pagpasok ng dalawang team. Sa pagbabago ng management ng 2 koponan, umokey na ito kay chief executive officer Senator Manny Pacquiao.
Aprubado ang Bicol Volcanoes na coach si Monel Kallos at ang Mindoro Tamaraws ni Justin Tan bilang mga 27th at 28th team. Ang Pasig ay isasailalm ng SLR na tumiyak ng ownership sa naturang MPBL franchise. Kinatawan sa team si Buddy Encarnado.
Ang pagbabago rin sa Mandaluyong management ay nang hawakan ni dating PBA player Banjo Calpito ang dating prangkisa na pag-aari ni Christian Singson. (MC)





Comments