Libreng CR sa mga terminal, pirma na lang ni P-Digong

KULANG na lang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte para maipatupad na ang panukalang libreng paggamit ng mga sanitary facility sa mga land transportation terminal sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 725, ipagbabawal ang paniningil sa mga pasahero para makagamit ng comfort room, drinking station at handwashing area.
Inoobliga rin ng panukalang-batas ang mga may-ari, operator at administrador ng land transportation terminals na tiyaking may maayos at malinis na pasilidad na libreng ipagagamit sa mga pasahero.
Kailangan namang ipakita ng mga pasahero ang binayarang bus ticket para makagamit ng regular sanitary facilities.
Papatawan ng P5,000 multa ang mga lalabag.
Limang taon matapos ang pagpapairal ng panukala, ipinarerepaso sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung naaangkop pa ang halaga ng multa at ang posibilidad na baguhin ito.
Ikinakatwiran ng nagtulak ng panukala na ang mga rest area at pasilidad sa mga terminal ay bahagi ng serbisyo sa publiko at hindi ito dapat sinisingil sa mga pasahero.





Comments