Lalo na sa mga beshy natin na kung anu-ano ang ginagamit na pamunas… IBA’T IBANG WAYS PARA MAPANGALA

GASGAS na lens, nabaling mga parte at nawalang turnilyo — may naranasan ka na ba sa mga ito, beshy? ‘Yung tipong kahit mahirap nang gamitin dahil may damage na, ginagamit pa rin natin dahil ayaw nating gumastos para magpagawa ng bago. Agree? Kaya para mapangalagaan ang ating mga salamin, narito ang ilang “eyeglasses care” tips para sa inyo:
1. USE BOTH HANDS TO TAKE IT OFF. Marami sa atin ang nasanay nang magtanggal ng eyeglasses gamit ang isang kamay dahil keri naman. Pero, ito umano ang dahilan kung bakit lumuluwag ang mga turnilyo nito at hindi na pantay kapag isinuot.
2. AVOID CLEANING MISTAKES. ‘Yung tipong kapag wala pang isang buwan ‘yung salamin mo, eh, alagang-alaga mo pa, pero kapag matagal na, kung anu-ano na lang ‘yung ginagamit mong panlinis at pamunas. Agree? Inirerekomenda ang paglilinis dito gamit ang diluted dish soap at microfiber cloth bilang pantuyo.
3. KEEP IT OUT OF HOT CONDITIONS. Ang pagka-exposed ng eyeglasses sa mainit na paligid, partikular sa loob ng kotse ay nakasisira ng frame. Ito ay dahil ang mga frame ay kadalasang gawa sa pouring liquified plastic.
4. DON’T WEAR IT ON TOP OF HEAD. Marami ang gumagawa nito, lalo na kung tinatamad silang hubarin ang kanilang salamin. Hindi umano ito magandang makasanayan dahil posibleng lumuwag ang mga turnilyo nito. Gayundin, ang natural oil sa buhok at scalp ay maaaring mag-smudge at makaapekto sa lens.
5. DON’T PUT LENS SIDE DOWN. Minsan, hindi natin namamalayan na nailalapag natin ang ating eyeglasses nang nakataob. Siguradong magdudulot ito ng gasgas sa lens kung sa ganitong paraan natin ito itatabi. Dahil dito, mabuting mag-invest sa magandang klase ng hard case upang masiguradong secured ito.
Oh, ayan, mga besh, huwag kalimutan ang tips na ito para sa mas matagal na “buhay” ng inyong eyeglasses, gayundin, upang makatipid kayo sa pagpapagawa ng bago.
Okie?





Comments