LABANAN NG COUPLE ENTRY
- Ding Taboy
- May 21, 2019
- 2 min read

MAHIGPIT na maglalaban ang mga kalahok sa Additional One Win in Group Races sa paghataw ng karera sa Santa Ana Park Naic, Cavite ngayong gabi.
Maghaharap sa pitong karera na kabilang sa Group Race at Condition Race na magsisimula ng 6:30 p.m. sa Santa Ana Park sa Naic.
Unang hahataw ang Group Race (10) sa Race 1, nakalalamang ang couple entry na Constantinople at Tipsy Tapsi kontra sa Couple entry na Hot Dog at Radian Talisman at Couple Entry Bowties and Charms at Cole Is Bright na simula ng Winner Take All (WTA).
Ipinapatok ang couple entry na Grey Area at Yellow Storm laban sa couple entry na Lets Dance Zumba at Wid Due Respect sa Race 2 na umpisa ng Pick 6 event.
Sa Race 3, maghaharap ang walong kalahok sa Group Race 11 at pinapatok ang Misha na entry ni Sandy Javier Jr, laban sa Wild Talk, Oceanside, Ellie’s Charm at Lady Pio sa simula ng Pick 5 event.
Nakalalamang ang La Corona at Amazing Cole at may tsamba ang couple entry na Richard at Yona na entry ni Atty. Narciso Morales at Unbroken sa Condition Race (19) na umpisa ng Pick 4 sa Race 4.
Sa Race 5, maghaharap ang pitong kalahok na kabayo sa Condition Race (20) at binibigyan ng malaking panalo ang Musiko habang tatalo ang Only One, Double Rock at Changes.
Ipinapatok ang Skyscraper at panegunda ang couple entry na Inter State at Barumbado sa Race 6. Magsisilbing paratingan sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 ang couple entry na Be The One, Spring Singer, El Mundo, Universe at River Mist sa Race 7.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Entry No.3 Golden Casino (10) Entry No.1 Race 2-Entry No 3 Entry No, 5 Kid Tayabas (1) Race 3- Misha (1) Oceanside (3) Lady Pio (8) Race 4- La Corona (1) Amazing Cole (4) Entry No. 6 Race 5 Musiko (7) Only One (2) Changes (4) Race 6-Skyscraper (2) Entry No.4 Heritage (3) Race 7- El Mundo (4) River Mist (11) Entry No.5





Comments