Katahimikan Ni Ronalyn Seminiano Reonico
- BULGAR

- May 21, 2019
- 1 min read

Ang katahimikan ay daloy ng pag-iisip
kung saan ang kaligayahan at pagdadalamhati ay nagtatagpo.
Ang katahimikan ay mga puno sa kagubatan
habang ang mga papel ay puno ng pantasya.
Ang katahimikan ay ang ingay ng mundo
habang ang mga tala’t bituin ay kumukuti-kutitap.
Ang katahimikan ay ang pagkurap ng mga mata habang ang puso’y pumapailanlang.
Ang katahimikan ay ang daloy ng tubig,
ang daloy ng mga luha’t pag-iyak.
Paglalayo ng mga puso
habang ang mga bulaklak ay namamaalam.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments