Ex-traffic chief, dedbol sa buy-bust

TODAS ang dating hepe ng traffic enforcement sa Siniloan, Laguna sa ikinasang buy-bust operation sa Pagsanjan.
Dead-on-arrival sa ospital si Leodigario Recide alyas Odec.
Ayon kay Laguna Provincial Police office (LPPO) Director Police Col. Eleazar Matta, si Recide ay dati umanong chief of traffic operations ng Siniloan.
Batay sa ulat, nagkasa ang Pagsanjan police ng buy-bust operation sa apartment ni Recide sa Bgy. Sampaloc, alas-6:00 ng gabi.
Gayunman, nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.
Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na agad ikinasawi ng suspek.
Dati na umanong naaresto dahil sa droga si Recide ngunit, nakalaya matapos pumasok sa plea bargaining deal.
Samantala, sinabi ni Matta na protektado ng isang lokal na opisyal si Recide sa pagbebenta nito ng droga. Hindi naman pinangalanan ng police official ang naturang opisyal.
Nakuha mula sa suspek ang kalibre .45 na baril at isang sachet ng hinihinalang shabu.





Comments