top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bading na naghahanap kuno ng mauupahan, kawatan pala!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2019
2 min read

KAYO ba mga ka-BULGAR ay nagmamay-ari ng apartment, dormitory, transient house o anumang klase ng bahay o kuwarto? Aba, para sa inyo ‘to mga suki dahil gumagala ang dalawang bading na naghahanap ng mauupahan, pero mga salisi o magnanakaw pala.

Personal na dumulog sa himpilan ng Manila Police District (MPD)-Theft and Robbery Section ang isang negosyanteng babae upang ireklamo ang isang bading na tumangay ng kanyang mga alahas at cash nang makasama nito sa kuwartong kanyang inuupahan.

Ayon sa reklamo ng biktimang itago natin sa pangalang “Edith”, nakipagkaibigan ang demonyong suspek sa kanya at ikinuwento nito ang kanyang buhay sa pamamagitan nang mabubulaklak na pananalita na ang hindi alam ng biktima ay kinukuha lamang ng hinayupak na suspek ang tiwala nito para hindi mapaghinalaang kawatan.

Nang nakuha ng balasubas na suspek ang tiwala ng biktima, nagsimula na itong magmanman sa mga galaw ng biktima, partikular ang oras nang pag-alis at pag-uwi nito.

Kaya naman nang makakuha ng tiyempo ang suspek ay nilimas nito ang cabinet ng biktima at ninakaw ang mga alahas at pera nito na nagkaka­halagang P300K.

Dahil sa reklamo, agad bumuo ng crack team ang MPD-TRS sa pangunguna ni P/Major Eduardo Pama kasama sina Pssg. Margarito Dequito, Pssg. Paul Robin Bautista at PCpl. Paul Dick Valencia para mahuli ang suspek na nakilalang si Romar dela Cruz alyas Romar, ang bakla na ang modus ay ang nagkukunwaring mangungupahan, pero ninanakawan ang kasama nito sa kanyang inuupahan.

Mga ka-BULGAR na may-ari ng mga paupahan d’yan, hingan ninyo ng papeles ang mga naghahanap ng paupahan tulad ng barangay clearance, police clearance, NBI clearance at iba pang dokumento na puwede ninyong makilala sakaling gumawa ng katarantaduhan ang mangungupahan kuno sa inyong pinauupahang establisimyento.

Dapat kayong makasiguro para walang maperhuwisyo sa mga gumagalang suspek!

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page