TRIPLE CROWN CHAMP HAHATAW SA SLLP
- Ding Taboy
- May 20, 2019
- 1 min read

HAHATAW ang tatlong pakarera ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa darating na Linggo Mayo 26, 2019 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ihahandog ng Philracom sa Linggo ang 1St Triple Crown, Hopeful at 3 Year Old Locally Bred Stakes Race sa SLLP.
Magaganap ang labanan ng mga magagaling na mananakbo sa paghataw ng Triple Crown sa distansiyang 1,600 meter na may premyong P3-milyon sa unang apat na makatatawid sa finishline.
Mag-uuwi ng unang premyo na P1.8 milyon ang tatanghaling kampeon, tatanggap naman ng P675,000 ang 2nd placer, habang mag-uuwi naman ng P375,000 ang 3rd placer at tatanggap ng P150,000 ang 4th placer.
May nakalaan na P1-M ang Hopeful Stake Race na hahatiin sa apat na makatatawid sa finishline.
Tatanggap ng unang premyo ang tatanghaling kampeon ng halagang P600,000. Ang tatanghaling kampeon sa Hopeful Stakes Race ay may pagkakataong sumali sa 2nd Leg Triple Crown Stakes Race.
Samantala tatanggap ng halagang P225,000 ang 2nd placer, habang mag-uuwi ng P125,000 ang 3rd placer at P50,000 sa 4th placer.
Mag-uuwi ng halagang P300,000 ang tatanghaling kampeon sa 3 Year Old Locally Bred Stakes Race, habang P112,500 sa 2ndplacer, tatanggap ng halagang P62,500 ang 3rd placer at P25,000 sa 4th placer.
Subalit bago ang pag-alagwa ng karera sa San Lazaro Leisure Park, masasaksihan ang pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang PCSO Championship sa araw ng Sabado.





Comments