SINO KINA GEORGE, HARDEN AT ANTETOKOUNMPO ANG NBA MVP?
- BULGAR

- May 20, 2019
- 2 min read

NAMIMILI na ang NBA ng mga tatanghaling Most Valuable Player (MVP) para sa 2018-2019 season. Ayon sa kanilang anunsiyo, nakapasok muli ang reigning MVP na si James Harden na nanguna sa liga sa average na 36.1 points per game, nakaentra rin sa top three sina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at Paul George ng Oklahoma City Thunder.
Tanging si Antetokounmpo na lang sa ngayon ang naglalaro dahil nakapasok ang kanilang team sa postseason at ang Bucks ang league-leader na may best record na 60-22 win-loss. Third placer si Giannis sa scoring (27.1 points) at 6th sa rebounds (12.5) at 10th placer sa blocked shots (1.5) kada laro. Lider si George sa steals (2.2) sa average points na 28.0 per game.
Finalists sa Defensive Player of the Year sina Antetokounmpo at George kabilang ang winner noong 2018 na si Rudy Gobert ng Utah Jazz. Bago idinaos ang Game 2 sa Eastern Conference Finals sa pagitan ng Bucks at Raptors nilinaw ng NBA na ang mga finalists sa anim na kategorya ay pinagbasehan ang resulta mula sa pagboto ng global panel ng print at TV media. Ang mga iba pang finalists ay sina LA Clippers teammates Lou Williams at Montrezl Harrell maging si Indiana Pacers’ Domantas Sabonis para sa Sixth Man.
Sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks pati na sina Phoenix Suns No. 1 pick Deandre Ayton na mag-aagawan sa Rookie of the Year. Finalists sa Coach of the Year sina Denver Nuggets’ Michael Malone at dalawang dating Coach of the Year winners na sina Mike Budenholzer ng Bucks at Doc Rivers ng Clippers. Nag-aagawan sina Pascal Siakam ng Raptors at De’Aaron Fox ng Sacramento Kings, D’Angelo Russell ng Brooklyn Nets para sa Most Improved Player. Sa Hunyo 24 idaraos ang NBA Annual Awards Show sa Los Angeles at host ng show ang basketball legend na si Shaquille O’Neal. (MC)





Comments