top of page

Shoutout sa mga still hoping diyan... 6 SIGNS NA BET MAKIPAGBALIKAN NI EX

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • May 20, 2019
  • 2 min read

MINSAN ka na bang nagmahal, iniwan at nasaktan? Aww… don’t worry, bes, hindi ka nag-iisa! May mga pagkakataon sa buhay na sobrang hirap mag move-on kay ex at kung kailan okay ka na at naka-move-on ka na sa lahat ng sakit at tapos ka nang umiyak, bigla naman siyang susulpot.

Paano nga ba malalaman kung interesado pa si ex na maibalik ang dating kayo?

1. THEY COMMUNICATE WITH YOU OVER TEXT AND OPEN-UP. Sabi ni Shlomo Zalman Bregman, rabbi and matchmaker in NYC, ang pagtawag, pag-text at pangungumusta ni ex sa iyo ay isa sa mga posibleng sign. Dagdag pa niya, ang mabilis na pagre-reply nito sa conversation ninyo ay isa rin sa pagpapakita ng motibo. Pero, kung naaalala ka lang i-text ni ex sa tuwing lonely at kung ang mga usapan ninyo ay tungkol sa current events, hindi ito masasabing sign, pero kapag nag-open up siya sa iyo tungkol sa buhay niya at nangumusta tungkol sa buhay mo, ito ay nagpapakita ng isa pang sign na gusto na niyang magkaroon ulit kayo ng koneksiyon.

2. THEY ASK ABOUT YOUR DA­TING LIFE AND ACT JEA­LOUS. Kapag nag­simula siyang magtanong kung mayroon ka nang iba, kung curious siya about sa dating life mo, ayon kay Bregman, ito ay senyales na iniisip ka pa rin niya at maaari ring nais niyang malaman kung open ka ulit sa relasyon, ayiee!

3. THEY TELL YOU THEIR RELATION­SHIP STATUS. Kapag ang ex mo ay nagsabing wala pa siyang ibang relasyon mula nang mag-break kayo, malaki ang chance na gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksiyon mo. May posibilidad din na gusto niyang ipaalam sa iyo na wala siyang iba upang hindi ka masaktan o kaya ay malaman mong bukas pa rin siya para ibalik ang past ninyo.

4. THEY STAY CONNECTED ON SOCIAL MEDIA. Ayon kay Jonathan Bennett, isang relationship counselor, kapag ang ex mo ay patuloy sa pag-i-stalk sa iyo sa social media, isa rin itong sign. Minsan, aksidenteng napipindot natin ang like button kaya napag­ha­hala­taan tayo, eh, aminin! He-he-he!

5. THEY MAKE RANDOM EXCUSES TO TALK TO YOU AND WANT TO MAKE YOU FEEL JEALOUS. Ayon kay Kiaundra Jackson, marriage and family therapist, ang ibang mga ex na gustong makipagbalikan sa past nila ay madalas naghahanap ng dahilan at gumagawa ng mga simpleng paraan para magkausap kayong dalawa, ninja moves! Pero, may posibilidad ding subukan ni ex na magkunwaring mayroon na siyang iba at naka-move on na siya para pagselosin ka dahil gusto pa rin niyang bumalik ka sa kanya.

6. THEY ASK TO DISCUSS WHAT HAPPENED. Ayon sa founder ng online relationship community na si Rhonda Milrad, may mga tipo ng ex na straight forward. ‘Yung tipong wala nang kiyeme, diretsahang tatanungin ka kung ano ang nangyari, ano ang naging problema, kapag ganito ang sitwasyon, posibleng gusto nilang ibalik muli ang dati o magkaroon kayo ng maayos na closure.

Sabi nga ng unknown writer, “I miss our talks, I miss our laughs, I miss us spending time together, but in the end I only miss you” at kung ayaw, ayaw, pero kung gusto, palaging may paraan. Kaya kung gusto ka muling balikan ni ex, palaging may paraan!

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page