Sey ng experts... MGA TAONG MABIBILIS MAGLAKAD, MAS MAHABA ANG BUHAY!


ISA ka ba sa mga beshy natin diyan na sobrang bilis kung maglakad? Good ‘yan dahil ayon sa mga eksperto, ang paglalakad nang mabilis ay nakapagpapahaba ng buhay. Weh, ‘di nga? Kaya kung medyo nahahawig ang paglalakad mo sa aso o kabayo, jackpot ka, tsong! Joke! Hi-hi-hi!
Ayon sa mga researcher, ang mga taong mabibilis maglakad ay nagkakaroon nang mas mahabang buhay at ang teoriyang ito ay hindi nakabase sa body weight o obesity status ng indibidwal.
Gayunman, upang mapatunayan ang pag-aaral, ang mga eksperto ay nagsagawa ng eksperimento sa 474, 919 na katao na mabibilis maglakad at nagkaroon ng mahabang buhay kung saan ang karamihan sa kanila ay umabot sa edad na 60 pataas, gayundin, nakaiwas sila sa panganib sa pagkakaroon ng iba’t ibang sakit.
Samantala, sinabi ni Lead author Tom Yates mula sa University of Leicester sa England na ang mga taong mababagal maglakad ay prone sa heart-related disease.
Dagdag pa rito, base sa nakalap na data mula sa UK Biobank, ang mga taong mababagal maglakad ay mahihina ang immune system.
Kaya ang payo ng mga eksperto, kung kayang bilisan ang paglalakad, gawin nang sa gayun ay makinabang sa benepisyo ng nasabing gawain.
Oh, ayan, mga besh, make sure na may natutunan kayo sa pag-aaral na ito.
‘Ika nga, huwag babagal-bagal dahil baka ikaw ay mapag-iwanan. He-he-he!
Gets mo?





Comments