Pramis, 'di raw drama lang ang sakit… KRIS, IKINALAT SA FB ANG PIKTYUR NA MAY RASHES SA MUKHA A
- BULGAR

- May 20, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

HINDI natuloy bumalik sa Sunday PinaSaya kahapon si Alden Richards dahil siguro sa pagod at puyat sa three days na shooting ng Star Cinema movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.
Mag-a-alas-sais nang umaga na natapos ang last shooting day nila noong Sabado, pagod at puyat ang cast, kaya minabuti na lang ni Alden na magpahinga at matulog.
Dahil tapos na ang pelikula, tapos na rin ang matinding diet ni Alden, makakakain na siya, pero nangakong hindi na uli magpapataba. Makakapag-ahit na rin siya at makakapagpagupit, kaya the next time na mapanood siya sa TV, trimmed na ang balbas at bigote at ayos na ang buhok.
Sa last shooting day, dinalaw ni Daniel Padilla si Kathryn sa shooting at nakitang magkasama silang pumunta sa tent ni Alden at nagkakuwentuhan. Pinuri ng mga fans ang tatlo na nag-effort to become friends. Nang unang magkita sina Alden at DJ sa Hong Kong, hindi sila masyadong nakapag-usap.





Comments