top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PCUP, handang umalalay sa mga maralitang apektado ng demolisyon at ebiksiyon!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20, 2019
  • 2 min read

LAYUNIN ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na magkaroon ng matiwasay at maayos na pamumuhay ang ating mga maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng ating aktibong partisipasyon sa pamahalaan.

Para sa inyong kaalaman, ang PCUP ay nagbibigay ng panlipunang kahandaan o social preparation sa ating mga maralita upang masiguro na handa tayo sa gawaing makatutulong sa ating pag-unlad.

Tanong: Magandang araw, Sir Alvin! Ako si Jena, 46 years old at taga-Cavite. Isa akong miyembro ng urban poor sa aming lugar. Nalaman namin na ang mga bahay namin ay made-demolish dahil tatamaan daw ito ng gagawing proyekto ng munisipyo. Sana ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat!

Sagot

Magandang araw din sa inyo. Huwag kayong mabahala sa mga ganitong gawain dahil nasa mandato ng PCUP na pangalagaan ang ating mga maralita pagdating sa usaping demolisyon at ebiksiyon.

Ang bawat isinasagawang government project ay mayroong kaakibat na pondo para sa mga apektadong pamilya upang mabigyan sila ng disenteng relokasyon o katumbas ng 60 days minimum wage na tulong-pinansiyal.

Bago magsimula ang nasabing gawain, kung tayo ay hindi pa lehitimong samahan, tayo ay io-organize ng PCUP para makasali tayo sa mga local inter-agency committee (LIAC) na magbubuo ng mga plano para sa ating komunidad.

Bibigyan din tayo ng mga gawaing magpapalakas sa ating samahan gaya ng community organizing, education at planning na tiyak makatutulong sa ating pagsabak sa gagawing paglilipat.

Sisiguraduhin rin ng ating ahensiya na ang mandato ng ating Pangulong Duterte na “no demolition without relocation” policy ay maisakatuparan sa pamamagitan ng ating Pre-Demolition Conference (PDC) at paglahok sa mga LIAC meeting.

Sa ngayon, Aling Jena, maaari kayong sumulat o magpunta sa ating tanggapan sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com upang maiproseso ng ating Area Coordinator (AC) ang pagvalidate ng ating concern at magawan ng akmang aksyon.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page