top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-Duterte, mas prayoridad ang Pederalismo kaysa sa death penalty, hmmm...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20, 2019
  • 1 min read

MAS OKAY ANG PEDERALISMO KAYSA SA DEATH PENALTY—Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nga­yong nagwagi sa elek­siyon ang mga kandidato ni P-Duterte ay mas prayoridad daw ng pangulo na maisabatas ang pederalismo kaysa sa death penalty.

Okay ‘yan kasi ang isa sa layunin ng Pedera­lismo ay pangkabuhayan ng mamamayan, eh, kung death penalty, naku, pagpatay ‘yan, boom!

◘◘◘

PAGHAHARI NG MGA TRAPO SA POLITIKA, MALA­PIT NANG MAGWA­KAS —May ilang kamangha-manghang pangyayari ang naganap sa nakalipas na eleksiyon.

Si Vico Sotto, tumak­bong walang line-up ay tinalo si Mayor Bobby Eusebio na kumpleto ang line-up; ang katutubong si Odi Otol, tinalo niya ang ‘manok’ sa pagka-alkalde ni P-Duterte na si Cesar Magsaysay sa Narra, Palawan; ang sepulture­rong independent candidate na si Arnel Garces ay topnotcher bilang konse­hal sa Taal, Batangas.

Indikasyon kaya ito na malapit nang magwakas ang paghahari ng mga traditional politician (trapo) sa bansa? Kasi ang lahat ng kanilang mga tinalo ay mga trapo, period!

◘◘◘

NALALAPIT NA ANG WAKAS NG PARTIDONG LP—Wala kahit isa sa mga kandidato ng Liberal Party (LP) ang may pag-asa pang manalo sa pagka-senador.

Sa ibang posisyon ay bilang lang sa mga daliri ang mga LP na nagwagi sa katatapos lamang na halalan.

Naku, masamang pangitain ‘yan kasi tila ito na ang wakas ng partido ng mga “yellow politicians” sa Pilipinas, boom!

◘◘◘

“GILBERT”, PROTEKTOR DAW NG VK NI ‘RICO’ SA BATANGAS CITY—Isang “Gilbert” daw ang protektor ng salot na video karera ni “Rico” sa Batangas City.

Kailan kaya gagawa ng aksiyon sina Mayor Beverly Dimacuha at Col. Sancho Celedio para matigil na ang panraraket ni “Rico” sa mga taga Batangas City? Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page