top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mga kandidatong sangkot sa vote-buying, lagot!

Ryan B. Sison
May 20, 2019
1 min read

BALAK ng Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng investigating body na siyang tututok sa mga indibidwal at puliti­kong sangkot sa vote-buying cases, ito ay kasunod ng kaliwa’t kanang report na halos hindi na­aksiyunan ng kapulisan noong nagdaang halalan.

Sa ngayon, ang mga nahuhuli lamang na may kinalaman sa vote-buying ay ‘yung mga nautusang mamili ng boto at hindi ‘yung mga pasimuno at financier na pulitiko.

Gayunman, sa nagdaang halalan, naging seryoso umano ang kampanya kontra vote-buying, pero marami pa rin ang nakalusot.

Kaya sana sa mga eleksiyon pang maga­ganap ay magsilbing-aral ito hindi lamang sa mga may kapangyarihan kundi maging sa mga botanteng nagpasilaw sa pera kapalit ng kani­lang karapatan.

Sa totoo lang, hindi biro ang 12 milyong halaga na nakumpiska dahil kung tutuusin ay kaya na nitong makatulong sa mga mahihi­rap sa magandang pamamaraan.

Samantala, bagama’t, nakatulong ang vo­ter’s education sa aktibong pagre-report ng mga insidente ng vote-buying, kailangan pa rin itong pag-ibayuhin nang sa gayun ay tuluyan nang talikuran ng mga botante ang vote-buying.

Tandaan, ang pera nauubos ‘yan, pero ang karapatan, mahirap kapag nawala ‘yan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page