Make sure na handa ka mentally at physically, besh! 5 REASONS PARA MAKALABAS SA COMFORT ZONE
- Jersey Sanchez
- May 20, 2019
- 2 min read

PAGKATAPOS ng graduation, simula na ng pag-a-adjust para sa bagong phase ng buhay. For sure, mayroong mga excited sa bagong adventure at mayroon din namang natatakot dahil hindi pa sila handang lumabas sa kanilang ‘comfort zone’. Walang masama kung natatakot ka, besh, pero, siguradong darating ang puntong kailangan mo itong gawin para sa ikabubuti mo. Kaya narito ang ilang dahilan para lumabas sa iyong comfort zone:
1.TO MAKE PROGRESS. Kung may gusto kang ma-achieve na bago, dapat kang lumabas sa iyong comfort zone. Parang pagmu-move on lang ‘yan, besh, hindi ka makauusad kung mananatili ka sa mga bagay na nakasanayan mo. ‘Ika nga nila, “a journey of a thousand miles begins with a single step.”
2. TO FIND YOURSELF. Upang mas makilala mo ang iyong sarili, mahalagang sumubok ka ng mga bagong adventure at karanasan. Hindi ito tungkol sa pagta-travel, ha? Puwede mo itong simulan sa maliliit na bagay. ‘Ika nga nila, walang masama sa pagsubok ng mga bagong bagay dahil siguradong magsisisi ka kung hindi mo ito sinubukan.
3. TO FIND OUT WHAT YOU ENJOY. Sa paghahanap ng bagong hobby o career, para malaman mo kung ano ang mga bagay na mae-enjoy mo, dapat kang lumabas sa iyong comfort zone. Nakakatakot mang makisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao, siguradong mas mabuting may kaibigan tayong nakakasama at napagsasabihan ng ating mga saloobin.
4. FOR A FRESH START. For sure, lahat tayo ay may pinagdaanan. Para makalimutan ito, dapat mong baguhin ang mga nakasanayan mo upang makapagsimula kang muli. Ang ilan sa mga ito ay ang pagiging independent at pagtahak ng panibagong career path. Hindi man ito madaling simulan, magandang hakbang ito para maka-experience ka ng bagong bagay at matuto.
5. IT FEELS GREAT. Naaalala mo ba nu’ng may ginawa ka na matagal mong pinag-isipan? Hindi ba, ang sarap sa pakiramdam na sumubok ng mga bagay na kinatatakutan mong gawin? Dahil dito, besh, kung may gusto kang gawin, make sure na hindi mo palalampasin ang pagkakataon na mayroon ka dahil ‘ika nga nila, some risks are worth trying for.
Siguradong mayroon pa ring nagdadalawang-isip diyan. Gayunman, mga besh, hindi masamang lumabas sa inyong comfort zone at ibahin ang inyong mga nakasanayan, lalo na kung para ito sa ikabubuti ninyo. Go, go, go lang, beshy!
Copy?





Comments