top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kapalit ay kapayapaan sa kanilang lugar | Mga Pinoy, pabor at todo-suporta sa ‘Oplan Tokhang’ at ‘Wa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 20, 2019
  • 3 min read

ANG malaking ebidensiya na sang-ayon pa rin ang masang Pilipino sa kampanya ng gob­yerno laban sa iligal na droga ay ang malaking tsansa sa pagkapanalo ni Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado.

Si “Bato” ay dating hepe ng Philippine Na­tional Police (PNP), siya ang naging mukha noon ng pakikipaglaban ng administrasyong Duterte sa mga drug lord at adik-kriminal na naghahasik ng lagim sa kabi-kabilang dako ng bansa.

Ideya mismo ni “Bato” ang “Oplan Tok­hang” kung saan libu-libong mga pinaghihina­laang tulak ng iligal na droga ang binisita ng mga pulis sa bahay nila mismo at sinabihang itigil na nila ang maling gawain na ito, samantala, mahigit isang milyong adik naman ang nag-volunteer na sumurender sa mga awtoridad para dumaan sa rehabilitasyon.

Maraming mamamayan ang natuwa sa ope­rasyong ito, bakit? Dahil nalinis ang mga kalye, nawala ang mga tambay, lalo na ang mga paka­lat-kalat na sabog sa iligal na droga na guma­gawa ng mga kasuklam-suklam na kri­men (hei­nous crimes) tulad ng rape at pagpatay ng mga sanggol at buntis.

Gayundin, nalipol ang mga drug lord at nag­bebenta ng iligal ng droga tulad ng shabu at ma­ging ang mga pulitiko na sangkot sa iligal na droga ay nahuli rin sa mga operasyon na ginawa sa buong bansa.

Marami ang pumabor sa “Oplan Tokhang” sapagkat ang kapalit nito ay kapayapaan sa ka­nilang lugar. Ngayon ay hindi na sila takot maglakad sa kanilang barangay kahit gabi na dahil na-“tokhang” na ang mga adik.

Sa kabila nito, maraming dilawan ang nanira sa programang ito ng administrasyong Duterte. Pinalabas nila ang “fake news” na 27,000 daw ang pinatay ng kapulisan at inilabas naman ito ng biased na malalaking diyaryo.

Pinakalat nila ang terminong “EJK” o extra­judicial killings para madungisan ang kampanya ng gobyerno laban sa mga drug lord at iba pang kriminal.

Mahigit 5,000 drug personalities sa loob ng tatlong taon ang napatay nang lumaban sila sa pulis habang isinasagawa ang mga drug ope­ration. Alam ng lahat na ang mga drug lord at dealer ay palaging may ‘baril’, ganyan ang bu­hay ng mga kriminal.

Siniraan ng mga dilawan ang “tokhang” at binanatan nang husto si “Bato” at maging ang pangulo. Ipinagtanggol nila ang mga drug lord at adik sa halip na ang gobyerno na pumu­protekta sa ordinaryong mamamayan.

Ang usap-usapan ay nayari raw ang mala­king pinagkukuhanan ng pondo ng mga dila­wan nang nahuli o napatay ang mga drug per­so­nality na hawak nila. Kabilang dito ang ilang pulis-heneral, mayors at iba pang opisyales na kilalang tagasuporta ng Liberal Party (LP).

Kung iisipin natin, ang kumokontra lang sa kampanya laban sa iligal na droga ay ang mga elitistang dilawan, lalo na ang mga nakatira sa ibang bansa tulad ng U.S. Wala silang alam sa tunay na nangyayari sa Pilipinas, pero panay dakdak sila habang hinihintay ang pag-apruba ng kanilang U.S. citizenship.

Sa tagumpay ng “Oplan Tokhang”, sumikat si “Bato”. Marami ang natuwa sa kanyang pagi­ging simpleng tao at makamasa ang persona­lidad, bagaman, nagtapos siya sa Philippine Mi­litary Academy (PMA) at may Masters degree pa. Matapos magretiro sa PNP, pansa­mantala itong nagtrabaho sa Bureau of Corrections (BuCor) bago tumakbo bilang senador.

Gayunman, nakakuha siya ng mahigit 19 mil­yon boto at nakasampa pa sa panlimang pu­westo. Napakalaking tagumpay ito para kay “Bato”. Malinaw na kahit siniraan siya ng dila­wang media sa isyu ng iligal na droga at “EJK” ay binigyan pa rin siya ng “seal of approval” ng mga botanteng Pilipino.

Kontra sa pinagsusulat ng malalaking pa­hayagan, aprubado ng masa ang “Oplan Tok­hang” at ang iba pang ginagawa ng PNP para maubos na ang mga sangkot sa iligal na droga.

Ngayon ay mag-ingat na ang mga natitirang drug lord dahil malaki ang tsansa na mai­balik ang death penalty para sa mga drug per­sonality na mahuhuling nagbebenta o nagpapa­kalat ng shabu at iba pang iligal na droga.

Sa ibang bansa sa Asya, may death penalty kapag nasangkot ang indibidwal sa iligal na droga kesyo nagbebenta, gumagawa o kahit na­ging “drug mule” o tagahatid lang.

Ito ang dahilan kaya umuunlad ang ibang bansa sa Asya dahil matindi ang batas nila laban sa iligal na droga. Sana ay makagawa si “Bato” ng bagong lehislasyon upang matigil na ang hindi magandang business na iligal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page