top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Edad 70 at 73 sapol sa motor

Jeff Tumbado
May 20, 2019
1 min read

DALAWA ang patay habang isa ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa bayan ng Lopez at Calauag, Quezon.

Ayon sa ulat ng Quezon Provincial Police Office (QPPO), naglalakad lamang sa tabi ng kalsada ng Maharlika Highway sa Barangay Vinas, Calauag, ang dalawang lola na sina Estilita de Luna, 70, at Nemia Vejerano, 73, nang mabundol ng motorsiklong minamaneho ni Roy Aferin, alas-9:00 ng gabi ng Sabado.

Naitakbo pa sa Magsaysay Memorial District Hospital (MMDH) ang dalawang matanda sa bayan ng Lopez ngunit, nasawi si Vejerano.

Hawak na ng pulisya ang driver ng motorsiklo na si Aferin na siya ring nag-report sa pulisya kaugnay ng insidente.

Samantala, sa Lopez, Quezon, nasawi rin si Michael Bryan Tabuga, 24, nang mahagip ng UV Express van sa Maharlika Highway sa Barangay Canda Ilaya, alas-9:30 ng gabi.

Sinasabing patungong Bicol ang van at puno ito ng pasahero nang mangyari ang insidente.

Namatay habang ginagamot sa Magsaysay Memorial District Hospital (MMDH) si Tabuga bunsod ng grabeng pinsala na natamo nito sa kanyang katawan.

Sumuko naman ang driver ng van na si Ruel Bisnar sa pulisya at nahaharap sa ilang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page