top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bumaha at lumubog ang mga sasakyan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2019
2 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Elvie ng Elvie_ Se­vella@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na bumaha raw at lubog ang mga sasakyan?

Naghihintay,

Elvie

Sa iyo Elvie,

Ang baha ay kadalasang napananaginipan ng kababaihan, kumbaga, bihira lang sa kalalakihan ang managinip ng baha. Bakit kaya?

Ito ay dahil ang baha ay simbolo ng nag-uumapaw na emosyon at ang emosyon ay mis­mong damdamin ang ibig sabihin at ang babae ay sinasabing, mas pinaghaharian ng damdamin, kumbaga, bihira sa lalaki ang ganu’n.

Ano ang koneksiyon ng baha sa buhay ng mga babae? Sila at hindi ang mga lalaki ang nakararanas ng pag-agos nang malakas na baha, as in, bumaha o sobrang maraming tubig ang umaagos.

Ito ay nararanasan ng mga babae, lalo na ng mga may asawa na sa panahon ng pagtatalik. Medyo maselan ang pahabol na paliwanag, pero kung may asawa ka na, mas madali mo itong makukuha. Kaya ang baha sa panaginip ay nagsasabing, sobrang kaligayahan ang iyong madarama.

Pero sa mga babae, nakararanas din sila ng pagbaha ng mga luha, kumbaga, hindi simpleng iyak lang kundi mahaba at todong pag-iyak. Kaya ang baha kapag mula sa karanasang masama ay nagsasabing, ihanda mo ang iyong sarili sa masaklap na kabiguan.

Gayunman, sa panahon ngayon na ang mga babae ay matatapang, buo ang loob, hindi sumusuko at patuloy na nakikibaka sa mga hamon ng kapalaran, bihira na silang umiyak nang todo ng dahil lang sa kabiguan.

Siyempre, mayroon din namang sobrang makaiyak sa hanay ng mga babae, pero sila ay ‘yung mga hindi pa matured o hindi pa nakahanda ang isip sa pakikipagsapalaran sa mundong kanilang ginagalawan.

Masyadong maiksi ang tanong mo tungkol sa baha na iyong napanaginipan, kaya kapag muli kang nanaginip ng baha, kaagad mo itong isulat sa kapirasong papel nang sa gayun ay lubos natin itong maanalisa.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page