top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bebot na no choice kundi ang intindihin ang dyowa na mainitin ang ulo

  • ROMA AMOR
  • May 20, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Michelle, 23 years old. May BF ako ngayon na nakilala ko sa common friends namin. Madadalawang buwan na kami at napansin kong masyadong mainitin ang ulo niya. Sa ngayon, no choice ako kundi ang in­tindihin siya dahil alam kong kapag sinabayan ko siya, eh, baka lalo lang kaming mag-away. Pero, sa totoo lang, pagod na ako kahit maiksing pana­hon pa lang kaming nag­sasama, siguro dahil na rin sa past relationship ko. Ano ang dapat kong gawin para mag-work ang aming re­lasyon? — Michelle

Michelle,

Alam mo, ‘teh, hindi ka da­pat nagtitiis sa lalaking ganyan dahil kung talagang mahal ka niya magkakaroon siya ng pakialam sa nara­ramdaman mo. Huwag kang papayag na puro no choice ka na lang at siya na lang pa­lagi ang iniintindi mo ring Bilang babae, deserve mo ring mahalin at intin­dihin. ‘Ika nga nila, laban! God bless sa iyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page