After mag-mayor, babu sa pulitika… MGA PLANONG GAWIN NI HERBERT, IBINUKING NI HARLENE!


TECHNICALLY pala, hanggang hindi pa natatapos ang June 30, mayor pa rin si Herbert ng Quezon City. Mag-e-end ang kanyang termino sa 12 noon ng June 30.
Ayon sa kanyang younger sister na si Harlene Bautista, he would like to take a break muna from politics.
“So I guess, nagpaplano sila ng mga trips, ganu’n, and to support his kids sa kani-kanyang endeavors, like sa trabaho, sa careers nila, to guide them properly.
“And sa amin naman, gusto niya… parang napapag-usapan namin ‘yung more about the productions (Heaven’s Best Entertainment), kung ano ‘yung direksiyon na gustong mangyari, ‘yung mga puwedeng gawin. And siya, siguro, meron pa rin siyang ibang gagawin,” tuluy-tuloy na kuwento ni Harlene sa Push. com.
Ang Heaven’s Best ang producer ng award-winning film na Rainbow’s Sunset na pinagbidahan nina Gloria Romero, Eddie Garcia at Tony Mabesa.
Meron pa ba siyang dream project para sa kanilang kumpanya?
“Actually, hindi ko thoughts, hindi ko idea, idea ito ng isang director, siya ‘yung nagbanggit sa akin na gusto naming gawin ‘yung sequel ng Broken Marriage nina Vilma (Santos), Boyet (de Leon), ako ‘yung anak nila ru’n at si Richard Arellano. So, kami pa rin ‘yung cast, tumanda na, ‘yun ‘yung gusto naming magkatotoo.”
Natanong si Harlene tungkol sa sequel ng Rainbow’s Sunset.
She said, “Hindi pa siya final, pero napapag-usapan na namin ni Direk Joel. Parang Rainbow pero hindi talaga siya sequel ng Rainbow’s Sunset.”





Comments