Utol namatay | BANK MANAGER, NAGBIGTI

TODAS ang retiradong bank manager matapos magbigti sa kanilang banyo dahil umano sa matinding depresyon sa Valenzuela City.
Kinilala ang biktima na si Glenn Brecio Ruiz, 61, na nadiskubre alas-10:00 ng umaga ng kanyang pamangking babae na si Laarni Jeanne Ruiz, habang nakabigti ng electric cord sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Bgy. Maysan.
Sa nakarating na ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay, habang kinukuha ni Laarni Jeanne ang kanyang mga damit sa gilid ng kanilang bahay ay napansin nito ang yellow paper na naglalaman ng suicide note na isinulat ng biktima.
Nakasaad dito na ang kanyang bangkay ay matatagpuan sa loob ng kanilang banyo na naging dahilan upang agad itong ipaalam ng saksi sa kanyang tiyahin na nag-utos sa kanya na humingi ng tulong sa mga opsiyal ng barangay. Sa tulong ng mga barangay tanod, sapilitang binuksan ang pinto ng banyo kung saan bumulaga sa mga ito ang nakabigting biktima.
Sa pahayag ng mga kaanak ni Ruiz sa pulisya, dumaranas ng diabetes ang biktima at matinding depresyon dahil sa pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid.





Comments